BREAKING: Eroplano ng Skyjet nag-overshoot sa runway ng Busuanga Airport

Makikita sa larawan ang eroplano ng Skyjet Airlines na nag-overshoot sa runway ng Busuanga Airport ngayong Biyernes, June 8, bandang 4:30 p.m. (CTTO)


Isang 80-seater BAE-146 na eroplano ng Skyjet Airlines na bumibiyahe sa Coron ang nag-overshoot sa runway ng Busuanga Airport (Francisco B. Reyes Airport) ngayong Biyernes, June 8, bandang 4:30 p.m. ng hapon dahil sa sama ng panahon.

Kinumpirma ito ng hepe ng Coron Municipal Police Station (MPS) na sa Senior Insp. Michael Von Agbisit na naroon mismo sa airport.

Hindi pa niya alam ang bilang ng mga pasahero ng Skyjet dahil patuloy pa rin umano itong kinukumpirma.

“Bad weather kasi dito kaya nag-overshoot sa runway. Inaalam pa namin bakit pinilit ng piloto na lumipad kahit ganito ang panahon. Wala naman nadala sa ospital doon sa mga pasahero, pero yong piloto medyo masakit daw ang tuhod,” pahayag ni Agbisit.

PLANE NAG-OVERSHOOT SA BUSUANGA AIRPORT: Wala namang isinugod sa ospital na pasahero mula sa nag-overshoot na eroplano ng Skyjet sa Busuanga Airport.

Kinumpirma rin ang pangyayari sa Palawan News ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) manager Percival Malonesio na nagsabing walang naging casualty ang aksidente.

Maaring sanhi ng pag-uulan sa may bandang Busuanga ang dahilan ng nahirapang paglapag ng eroplano.

“Actually bago lang. Wala pa silang ibinibigay [na bilang ng pasahero]. Pero lahat ng pasahero safe naman. Saved na lahat ng pasahero. Nothing to worry naman. Basta ‘yong detail lang ay nag-overshoot, ‘yong tinawag sa akin ng tower. No casualty,” pahayag niya.

You may also like...