BINATA PATAY MATAPOS BUGBUGIN AT HAMPASIN NG BATO SA BGY. SAN PEDRO, PPC


Ni Archie Barone

DEAD ON ARRIVAL sa Ospital ng Palawan ang 16 taong gulang na binata matapos na  bugbugin at hampasin umano ng malaking bato ng tatlong hindi pa nakikilalang mga kalalakihan sa may bahagi ng Peneyra Road, Purok Pag ibig sa Bgy San Pedro, ganap na alas 9:45 ng gabi  ng Abril 14, 2015.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ivan Padilla, binata at residente sa nababanggit na lugar

Sa inisyal na impormasyon, habang naglalakad umano ang biktima papunta  ng city coliseum nang bigla itong harangin ng  tatlong tao at siya ay suntukin at hampasin ng maraming beses ng bato sa dibdib at batok.

Sa ngayon ay hawak ni PO3 John Lester Tumano ng City PNP ang naturang kaso at wala pang inilalabas na malinaw na pahayag ang pulisya hinggil sa motibo ng insidente. Patuloy din ang pangangalap ng impormasyon sa suspek  para ito ay mahuli at masampahan ng kaukulang kaso.

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...