Bata na posibleng nakadampot ng pampasabog naputulan ng kamay

Photo credit: www.facebook.com/Ospital-ng-Palawan

Patuloy pa ring tinitingnan ng mga otoridad kung paputok o blasting cap ang nadampot ng anim na taong gulang na bata sa bayan ng Balabac na naging sanhi ng pagkaputol ng kaliwang kamay nito.

 

Ayon kay Dr. Louie Ocampo, hepe ng Ospital ng Palawan, isinailalim sa surgical operation si Merham Imming, dahil sa tindi ng tinamo nitong sugat sa kanyang kamay at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.

 

Sabi ng mga otoridad maaaring hindi piccolo ang nadampot ng bata kung hindi isang blasting cap ang sinindihan nito. Ang blasting cap ay isa sa mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng pasabog. Nabatid na ang pangunahing hanapbuhay ng mga residente sa lugar ay ang pangingisda at may mga gumagawa umano doon ng bong-bong o dinamita.

 

“Since remote island ang barangay na ito, ang availability ng mga paputok doon is very unlikely and most of the people there are Muslims at hindi naman part ng culture nila na may paputok. Idagdag pa ang severity ng injury is not convincing na mula sa piccolo,” ayon kay Dr. Ocampo

 

Matatandaan na sa salaysay ng kamag anak ng biktima, nagulat na lamang umano sila ng makarinig ng pagputok at nakita nilang duguan na ang bata.

 

Mabilis na binigyan ng kaukulang lunas sa medical health center sa lugar at k dinala ito sa lungsod upang mabigyan ng karagdagan medikasyon sa Ospital ng Palawan.

 

Ayon pa kay  Ocampo, pangalawa na umano itong kaso na may naputukan ngayon taong 2015

 

Sa record ng Ospital ng Palawan noong 2014 umaabot sa  10 ang naitalang firecracker related injuries.

 

Patuloy naman ngayon ang kampanya ng Department of Health   sa publiko hinggil  hinggil sa paglipana ng mga paputok ngayong kapaskuhan.

 

Ayon kay Spokesperson Glenn Ramos ng DOH-MIMAROPA, pormal nang inilunsad noong ika-7 ng Disyembre ang “Iwas Paputok” campaign ng departamento na tinawag nilang “Sa ingay walang sablay, sa paputok goodbye kamay.”

 

“Paalala natin ang lahat na gumamit na lamang ng mga alternatibong ligtas na paraan para sa pagsalubong sa bagong taon tulad nang mga sound system, turotot at iba pa para maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente ng pagkakaputol ng ating mga kamay at iba pa,” ayon kay Ramos

 

You may also like...