Flash Report: Bangkay natagpuan sa Barangay Sta. Lourdes, Lungsod ng Puerto Princesa


Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan kaninang umaga, ika-2 ng Pebrero, sa Sitio Magarwak, Brgy. Sta.Lourdes, Lungsod ng Puerto Princesa na umano’y may mga tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

 

Ang biktima ay kinilalang si Joey Dumpit, 24 anyos, residente ng Brgy. Bacungan at isang waiter.

 

Sa salaysay ni Police Senior Inspector Saul Eleazar ng Irawan Police Station, nakita ang bangkay ng caretaker ng lupa sa Purok Mainit, Sitio Magarwak ganap na 6:20 ng umaga. Pinaghihinalaang binaril ang biktima ng hindi pa malamang kalibre ng baril at maaaring tinapon lamang ang bangkay sa lugar kung saan ito natagpuan.

You may also like...