Bangkay na posibleng biktma ng salvaging natagpuan


Isang bangkay ang natagpuan alas siete ng umaga, ika-6 ng Disyembre sa boundary ng Brgy. Langogan, Lungsod ng Puerto Princesa at Brgy. Tinitian sakop ng bayan ng Roxas.

 

Sa imbestigasyon ng Roxas Municipal Police sa pamumuno ni Police Chief Inspector Salvador Tabi, nakatali ng packing tape ang mga kamay at may piring na t-shirt ang mga mata ng biktima. May bakas umano ng isang lubid o wire ang leeg nito at nakasuot ng stripe na itim at pulang t-shirt ang hindi pa nakikilalang biktima.

Tinatayang nasa 5’4  ang taas nito at nasa 50 anyos. Ang biktima ay pinaniniwalaan ng mga pulis na biktima ng salvaging.

Ayon kay Tabi posible umanong itatapon sana sa bangin ang biiktima subalit hindi ito nahulog dahil nasa tabi lamang umano ito ng kalsada, Hindi rin umano ito kilala ng mga residente ng dalawang nabanggit na barangay.

Sa ngayon ay nasa isang funeral home sa bayan ng Roxas ang biktima at patuloy naman ang malalimang imbestigasyon na isinasagawa ng mga pulis. Hanggang sa ngayon ay hindi pa tukoy kung sino ang suspek.

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...