=

Banggaan sa Brooke’s Point, isa sugatan


Bali ang kamay at sugatan sa ibat-ibang bahagi ng katawan at ulo ng isinugod sa pagamutan ng Leoncio General Hospital ang isang Joey Fernandez, 18, residente ng Barangay Barong-Barong bayan ng Brooke’s Point, matapos na nagkabanggaan ang minamaneho nitong motorsiklo at isang shuttle van.

Ayon sa police report, binabaybay umano ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksiyon ng kahabaan ng National Highway Brgy. Barong-barong bayan ng Brooke’s Point ng biglang pumihit pakaliwa ang biktima, sa bilis ng takbo ng shuttle van ay hindi na nito nagawang makailag kung kayat sumalpok ito sa motorsiklo dahilan upang tumilapon sa sementadong kalsada ang biktima at nagtamo ng malalang pagkabali ng kanang kamay.

Kinilala ang driver ng van na si Roquillo Rosadeño, 26, residente ng Brgy.  Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan.

Inilipat sa isang pagamutan sa lungsod ang biktima dahil sa malala nitong kalagayan.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...