=

Babaeng motorcycle rider, patay ng makaladkad sa San Jose


Patay ang isang babaeng motorcycle rider matapos itong mabundol at makaladkad pa ng isang Ford Ecosport kaninang madaling araw, June 7, sa national highway sa Barangay San Jose.

Kinilala ang biktima na si Kristina Jossica Maarat Bacos, 33 anyos, walang trabaho at residente ng Barangay Tagburos. Ang driver naman ng kotse ay kinilalang si Earl Vryan dela Cruz, 35, residente ng Barangay San Jose.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng traffic police, pauwi na si Bacos mula sa isang fastfood ng mabundol ng Ford Ecosport ni Dela Cruz ang hulihang bahagi ng motorsiklo sa tapat ng Sansu Restobar.

Sa lakas ng pagkakabunggo ay hindi umano napansin ni Dela Cruz na nakaladkad na nito ang biktima na aabot ang layo sa 26 metro mula sa pinangyarihan. Agad naman na sumuko si Dela Cruz na ayon sa report ay positibong lasing.

Sa huling ulat, wala ng kasong isasampa laban kay Dela Cruz dahil sa settlement na inalok sa pamilya ng biktima. Sinagot kasi nito ang lahat ng gastusin at pag-aaralin pa ang mga anak ni Bacos.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...