Babae, huli sa isinagawang buy-bust operation sa Puerto Princesa


Huli sa isinagawang buy-bust operation ng Mendoza Police Station ang isang 21- anyos na babae pasado alas-11:30 ng umaga, ika-23 ng Marso 2017, Huwebes, sa Lacao Street, Barangay Tanglaw, Puerto Princesa.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang pakete ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu at isang 500-peso bill na ginamit bilang ‘marked money’.

Kaagad namang dinala ng Mendoza Police Station ang naturang suspek sa Palawan Laboratory Office upang sumailalim sa ilang eksaminasyon. Haharap naman ito sa kasong paglabag ng Article II, Section 5 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...