Away sa lupa, humantong sa pamamaril


Away tungkol sa lupa ang tinutukoy na dahilan ng pagbaril isang 38 anyos na lalaki sa Sitio Maypa, Barangay Pangcol, bayan ng Taytay nitong gabi ng Marso 5.

Ang biktima ay nakilalang si Erick Villanueva, na nasugatan at dinala sa Taytay Provincial Hospital.

Kinilala ang mga suspek na sila si Sayon at Gamay Sarmiento, magkapatid at parehong nakatira sa Malinao, Barangay Libertad sa bayan ng Taytay.

Napag-alaman mula kay PSI Ric Ramos, information officer ng Palawan Provincial Police Office, na nasa kanyang kubo ang biktima nang barilin siya ng dalawang suspek gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril at tumama sa kanang bahagi ng kanyang katawan.

Nakita nito ang dalawang lalaking papatakbo palayo na bumaril sa kanya, samantalang nakatakbo din ang biktima at nakahingi ng tulong.

Dinala siya ng mga pulis ng Taytay Municipal Police Station sa Northern Palawan Provincial Hospital sa bayan ng Taytay kung saan ay kasalukuyan siyang ginagamot.

Isinasagawa na ng Taytay MPS ang manhunt operations para sa paghuli ng mga suspek.

You may also like...