Arc and Buntings Contest ginagawa sa Panacan, Narra


Isang paligsahan ang isinagawa sa Bgy.Panacan 1 sa bayan ng Narra noong Mayo 10,2015 na tinawag na Arc and Buntings Contest.

Ito ay nilahukan ng anim na purok kabilang na ang Purok Tagumpay, Pagkakaisa 1 at 2, Masagana, Borbon at Uliran. Ang layunin ng paligsahang ito ay maipakita ang pagiging malikhain ng mga mamamayan sa barangay.

Ang basehan ng paligsahan  na ito ay ang mga sumusunod: pagiging orihinal, paggamit ng mga recyclable na kagamitan, pagiging malikhain, over-all appearance, at pagkakaisa ng purok sa pagsasagawa ng arko at mga buntings.

Ipinakita ng bawat purok ang kanilang pagiging malikhain sa paggamit ng mga materyales na pangunahing produkto o pinagkukunan ng kanilang hanapbuhay.

Nais ng Bgy.Panacan na makilala ang kanilang barangay sa pagiging malikhain at maipakita ang kanilang mga produkto upang madiskubre ng mga turista.

You may also like...