Albularyo huli dahil sa kasong rape


Dumaran, Palawan– Nahuli ng mga operatiba ng Dumaran Municipal Police ang isang albularyo dahil sa kasong panggagahasa.
Ang suspek ay si Armado Antonio Tolentino, 61 anyos, tubong Golod, Novaliches, Quezon City at pansamantalang naninirahan sa Brgy Santo Tomas, Dumaran.
Sa pangunguna ni Police Senior Inspector Mariano H. Dacillo, chief of police ng bayan ng Dumaran isinagawa ang manhunt operation noong Martes, ika-26 ng Agosto.
Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Jocelyn Sundiang-Dilig ng RTC Branch 47 dahil sa kasong rape.
Walang piyansa ang kaso. Ang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Dumaran police.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...