ABC President Mondragon nakikusap na ‘wag idamay ang pamilya matapos pagbabarilin ang kanyang bahay


Nakikiusap si Association of Barangay Captains Federation President Zaldy Bacosa Mondragon ng bayan ng Aborlan sa mga tumangka sa kanyang buhay na huwag idamay ang kanyang pamilya sa gulo ng pulitika.

“Wala po akong kaaway, kaya sa tingin ko po ay pulitika (ang dahilan),” ayon Kap. Mondragon.

Matatandaan na kahapon ng madaling araw, ika-25 ng Abril, pinagbabaril ng dalawang tao na naka-motorsiklo ang bahay nito sa Bgy. Cabigaan, Aborlan gamit ang M-16 Armalite rifle

Mabuti na lamang umano at nakahiga sila ng pagkakataaong iyon kaya’t pinagapang ang dalawang anak hanggang makalipat ng lugar.

Hanggang kagabi aniya ay may umaaligid pa rin sa kanilang bahay.

Sinabi nito na hindi na biro ang mga pangyayari subalit hindi na siya natatakot. “Kapag nagpakita ng karuwagan, lalo tayong tatakutin,” ayon kay Mondragon.

Si Mondragon ay bukas sa pagsasabing siya’y kaalyado ni 3rd District Representative Douglas S. Hagedorn

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.