6th Most wanted sa Palawan, huli ng mga otoridad


Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Palawan Provincial Intelligence Branch Tracker Team- North at Roxas Municipal Police ang rank no. 6 most wanted person sa lalawigan, matapos ang “Lambat Sibat Operation” sa Bgy Iraan, Roxas ngayong ika-3 ng Marso.

 

Kinilala ang suspek na si Abraham Amacanin Jr, 33 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar. Hinuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Ambrosio De Luna ng Regiona Trial Court Palawan Branch 51 dahil sa kasong attempted murder.

Kaugnay nito, may inalaan namang P120,000  na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Samantala ayon naman kay Police Superintendent Vicente Cabatingan, limang wanted persons na lamang ang natitira sa kanilang listahan sa Lambat–Sibat, habang apat na wanted persons sa listahan naman ng Manhunt Charlie.

 

Sinisikap ng grupo ng Provincial Intelligence Branch na mahuli ang mga natitirang wanted persons bago matapos ang buwan ng Marso. Kasabay nito, hinihiling ng mga otoridad ang kooperasyon at tulong ng publiko sa pamamagitan na rin ng pagbibigay sa kanila ng tamang impormasyon

You may also like...