53 anyos na lalaki, DOA sa ospital dahil sa aksidente sa Roxas

(Photo by Lemuel Laurente)


Dead on arrival (DOA) pagdating sa Roxas Medicare Hospital ang isang 53 anyos na lalaki matapos bumangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo na Honda XRM sa isang nakahintong Toyota Hiace commuter van sa national highway sa Baranggay Caramay noong Miyerkules, June 6.

Kinilala ito ng Roxas Municipal Police Station (MPS) na si Diokno Lagrosa, residente ng Barangay Nicanor Zabala, Roxas. Ang driver naman ay kinilalang si Dave Rollan Mirano, 43, at residente din ng naturang bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, matindi ang pagsalpok ng motorsiklo ng biktima sa likod ng hiace van. Parehong patungo umano sa direksyon ng Puerto Princesa ang dalawang sasakyan bandang 2:00 p.m. pero ang hiace ay sandaling huminto para magsakay ng pasahero.

Bigla umanong sumulpot ang motorsiklong minamaneho ni Lagrosa at bumangga sa hiace van.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidenteng naganap ng traffic police samantalang ang dalawang sasakyan ay parehong nasa kustodiya na nila.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...