4 na kalalakihan, huli sa buy-bust sa Brgy. Maninging dahil sa shabu


Apat na kalalakihan ang inaresto ng mga pulis kaninang madaling araw, June 7, bandang 12:45 a.m. sa isang computer shop sa Lacao Street, Barangay Maningning, dahil umano sa pagbebenta ng shabu.

Kinilala sila ni Senior Insp. Aaron Elona bilang sina Patrick Briones, 25; Ivan Canaria, 20; John Matthew dela Cruz, 19, at isang “Alyas Bay” na minor de edad kaya’t di mapangalanan.

Sabi ni Elona, target talaga ng kanilang buy-bust operation si Alyas Bay dahil dito nakabili ang kanilang poseur-buyer ng pinaghihinalaang shabu.

Nakumpiska mula sa mga ito ang dalawang patalim na nakuha kay Briones at Canaria, isang sachet ng pinaghihinalaang shabu mula kay Dela Cruz, at isa pang sachet at P600 na marked money mula sa minor de edad.

Napag alaman din mula sa mga tanod at opisyales ng Maningning na una ng nanakawan ni Alyas Bay nng kapitana ng naturang barangay. Ngunit dahil sa awa, ay tinulungan pa ito na makauwi kasama ng tiyuhin sa kanilang probinsya.

You may also like...