39-anyos na lalaki, patay ng matagpuan sa San Manuel

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng City Police Office (CPO), lumalabas na wala namang foul play sa pagkamatay nito.


Natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto ang isang 39-anyos na lalaking laborer noong Lunes ng umaga, April 16, sa Purok Pag-iibigan, Barangay San Manuel.

Kinilala ito ng mga kasamahan sa trabaho na si Kenneth Dag-o, tubong Baguio City, at pansamantalang naninirahan din sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng City Police Office (CPO), lumalabas na wala namang foul play sa pagkamatay nito, at tila ito ay natural death bunga ng iniindang karamdaman.

Isa sa mga kasamahan ni Dag-o, na kinilalang si Joseph Vicencio, ang nagkuwento na nagtaka sila ng di ito makita kaninang umaga dahil dati naman itong maagang pumapasok sa trabaho.

Huli nilang nakita si Dag-o noong Linggo ng gabi at nakikipag-biruan pa sa mga kaibigan. Maging ang isa sa mga kapit-bahay nito ay nagsabi na nakita pa itong nanood ng telebisyon.

Sabi ni Vicencio, matagal ng may karamdaman na iniinda si Dag-o, at marahil ito ang dahilan kung bakit ito sumakabilang buhay.

Tumutugma naman ito sa lumalabas na resulta ng imbestigasyon ng mga pulis na ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin sa kanyang pamilya sa Baguio.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...