3 tao huli sa drug buy bust


INIHAHANDA na ang kaukulang kaso laban sa tatlong indibidwal na nahuli sa drug buy bust operation noong Sabado sa Sito Panindigan, Bgy Poblcion san Vicente, Palawan.

Ang mga nahuling suspek ay sina Emmanuel Arceo Orellano, 41 anyos ; Cherry Mosende Cacillamo, 30 anyos at Rey Catugoran Garganera, 22 anyos mga residente  ng Sito Panindigan, Bgy Poblacion San Vicente.

 

Sa inisyal na imbestigasyon San Vicente Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Senior Inspector Juromel Fiel Rojo, nakumpiska umano buhat sa pangangalaga ng mga suspek ang 11 pirasong plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at marked money na ginamit sa operasyn.

 

Nakapiit  sa detention cell ng San Vicente Municipal Police Station ang tatlong suspek.

Inaayos na ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga suspek.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...