3 mangingisda sa bayan ng Taytay huli sa paggamit ng dinamita


Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Taytay Municipal Agriculture Office at mga pulis ang tatlong mangingisda  matapos na maaktuhan ang mga ito na gumagamit ng bong-bong o dinamita sa pangingisda sa karagatang sakop ng Bgy Casian , kahapon, ika 27 ng Marso.

 

Ang mga mangingisda ay sina David Rebose (kapitan ng bangka), 48 anyos at may asawa.  Kasama ni Rebose sina Norberto Reyes, 41 anyos at Junie Cris Jagmis, 20 anyos, kapwa mga residente sa nasabing barangay.

 

Sa impormasyon na nakuha buhat kay PO3 Marvin Edenden na siyang  nangungina sa imbestigasyon, nakuha buhat sa Bangka ang dalawang pirasong “bong-bong”. Ang mga nakuhang “bong-bong” ay dinala sa Crime Laboratory para sa chemical analysis.

 

Ayon kay PO3 Edenden sinubukan pa umanong tumakas ng mga suspek ng makita ang mga nagrespondeng mga otoridad.

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 8550 (Fisheries Code of 1998) ang tatlong nahuling mangingisda.

 

Dahil dito, pinaiigting ngayon ang seaborne patrol ng mga otoridad sa bayan ng Taytay para mahuli ang mga  gumagawa ng pag iiigal na gawain sa karagatang sakop ng Taytay.

 

You may also like...