21 katao arestado dahil sa iligal na patupada ng manok


Arestado ang may 21 katao sa Purok Mabuhay, Barangay Napsan, ng mga elemento ng City Police Office (CPO) ng lungsod dahil sa iligal na pagsasabong noong 3:30 ng hapon ng February 10.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Ryan Aguila, Jonie Manlapaz, Armando Gonzales, Richard Darol, Joel Vigonte, Freddie Cañete, Roperto Taggueg, Froilan Awja, Edmundo Cabanillas, Greg Raci, John Marco Agulto, Valentino Berja, Mark Neil Sabaulan, Marcial Sabaulan, Elmo Alpar, Edwin Revadanera, Emmanuel Nicodemos, Rodencio Ganancial, Gener Sublemente, Richard Dosiata, at Randy Bantayan.

Apat din ang nakatakas at kinilala sila sa spot report na inilabas ni PSI Felix Rivera ng Police Station 2 na sina Toto Pedecio na diumano ay sentensyador, Jerson Magbanua na sinasabing kasador, Loyd Lozada, at isang Alias James na diumano ay gaffer.

Sabi sa spot report, nakumpiska mula sa kanila maraming bilang ng gaffs (tari ng manok), 16 live fighting cocks, walong sugatang panabong na manok, at limang patay na.

Ang lahat ng arestado ay nasa kustodiya na ng CPO dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 na tungkol sa pagpapataw ng mas mahigpit na parusa sa mga lalabag sa PD 449, o ang Cockfighting Law.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...