2 VCM sa San Pedro ES, hindi na tumatanggap ng balota

Dalawang VCM sa San Pedro Elementary School ang pumalya na nagresulta sa pagkaantala ng pagboto (Larawan Kuha ni: Borg Ibabao Jr.)

 Dalawang clustered Precincts sa San Pedro Elementary School and hindi na tumatanggap ng balota bandang alas-diyes ng umaga kanina dahil nag-overheat umano ayon sa Smartmatic Technician.

Ayon sa technician, naiparating na nila sa Provincial at National Headquarters ng Smartmatic ang problema. Subalit ang direktiba sa kanila ay hintayin na lamang muna na lumamig ang VCM saka alamin ang magiging kondisyon nito.

Sa ibang presinto kasi umano na nagkaroon ng kahalintulad na problema ay gumana naman ang VCM nang lumamig ang mga ito.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa umabalik sa normal ang kondisyon ng dalawang vote counting machine (VCM) maging ang daloy ng pagboto sa dalawang clustered precincts.

Kabilang ang precinct no. 0328-A sa mga presinto na pumalya ang VCM na kung saan dito naman inaasahang boboto si G. Edward Hagedorn na kandidato sa pagka-mayor ng lungsod. (May Ulat ni Borg Ibabao Jr.)

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...