2 lalaki arestado dahil sa droga sa bayan ng El Nido


Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang dalawang kalalakihan na sina Eladio Ramos (33 y/o) at Paulino Perido (33 y/o), sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng El Nido Municipal Police Station at Philippine Coast Guard-El Nido Miyerkules, ika-21 ng Disyembre.

Na-recover mula sa mga suspek ang plastic transparent sachet ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, gayundin ang ‘mark money’ at ilan pang paraphernalia.

Ads

Habang isinusulat ang balitang ito ay nakatakda nang i-turn-over sa PNP Main sa Puerto Princesa ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa batas R.A 9165 o Dangerous Drugs Act.


You may also like...