11 suspek sa droga sa Sta. Monica, kinasuhan na


Pormal nang isinampa sa City Prosecutor Office noong ika-23 ng Mayo ang kasong paglabag
sa Sec 5, 11 at 12 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002 laban
sa labing isa (11) na mga nahuling suspek sa kaso ng iligal na droga.

 
Ang mga suspek ay sina Percival Viloria, Angelica Nanoy, Ronald Abadiano Padrones,
Anthony Talaran, Rolando Fuebtes, Emmanuel Cape, Alex Becera, Arthur Abellar,Reymond Juan,
Marjun Calulod, Ramil Lansang, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Sta. Monica.

 
Matatandaan na huli sa buy-bust at simultaneous operation ng pinagsanib na puwersa ng
City PNP Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group at City Public Safety and Order ang mga nabanggit na suspek kamakailan.

 

 

Narekober buhat sa mga suspek ang 5 plastic sachet ng ipinagbabawal na gamot na sa pagtaya
ay may timbang na 2.146 grams.

 

Nakatakda namang ilipat sa City Jail ang mga nababangit na suspek

You may also like...